China |
Tsina
Ang bansang Tsina o China ay ang pinakamalawak at pinakamalaking bansa sa asya.Ito rin ang bansang may pinakamalaking bilang ng populasyon na may bilang na 1.3 bilyong populasyon. Ang bansang ito ay mayaman sa kanilang kultura at paniniwala. Buddhism ang ang pangunahing relihiyon ng bansa. Ito ang paniniwalang nakatuon sa mga aral ni Buddha.Sinocentrism
Ang kaisipang Sinocentrism ay
tumutukoy sa paniniwala at pilosopiya ng mga Tsino na ang Tsina ang
pinakasentro ng daigdig, ang itinuturing na “Gitnang Kaharian”. Gayunpaman,
hindi naman naaayon sa kanilang kultaura ang mangibang bansa upang palaganapin
ng kanilang paniniwala at kabihasnan dahil naniniwala sila na ang kulturang
Tsino at maipagmalaki at tiyak na tatanggapin at yayakapin ninuman nang walang
pasubali o anumang uri ng paghihikayat.
Pilosopiya ni Confucius
Siya ang dakilang pilosopo at guro sa kasaysayan ng Tsina.
Kapansin-pansin ang pagpapahalaga ni Confucius sa relasyong na babatay sa pamilya.
Ayon sa kanya, mahalagang makagawian ng mga anak ang pagsunods a “filial piety”
o paggalang at pagmamahal sa mga magulang at nakatatanda.
Pilosopiya ng mga Legalista
Ang
mga Legalista ay naniniwala na isang makapangyarihang pamahalan lamang makapagpapanumbalik
ng katiwasan sa Tsina. Taliwas sa kaisipan ni Confucius ang kaisipan ng pangkat
ng mga legalista. Ayon pa sakanila, kailangang pagkalooban ng gantimpala ng pamahalaan
ang sinumang maayos na tumatalimasa kanyang tungkulin at patawan naman ng mabigat
na kaparusahan ang sinumang hindi gumaganap sa tungkulin. Higit sa lahat,
iminungkahi nila ang pagsunog sa lahat ng kasulatan at pahayag na maaaring
magbigay ng ideya sa mga tao upang mag-alsa.
“Great
Wall of China”
Great Wall of China |
May habang 6, 700 kilometro na
mula sa Shanhaigan sa silangan ng Tsina hanggang Lop Nur sa kaunlaran. Ito ay
unang ipinagawa ni Shi Huang-ti isang 13 taong gulang na emperador na nagmula
sa angkang chin. Ito lamang ang estrukturang gawa ng tao na bukod tanging
natatanaw sa kalawakan. Ang “Great Wall of China” ay kilala sa kasalukuyan
bilang isa sa “Seven Wonders of the World”.
Ang Imperyong Han
Porselana
Porselana |
“Mechanical Clock”
Mechanical Clock |
Pulbura
Pulbura |
Ang pulbura ay inimbento noong
800s at noong panahon ng Tang at Sung. Ito ang pumuputok na pulburang gawa sa
pinaghalong “saltpeter”, “sulphur” at uling. Ito ay unang ginamit bilang
paputok. Ito ay ginamit din bilang armas at hanggang sa ito ay lumaganap na sa
ibang bansa.
Perang Papel
Perang Papel |
"Magnetic Compass”
Magnetic Compass |
Tradisyon at Kultura ng Tsina
Kasuotan
Cheongsam |
Kasal
Tradisyong Kasal ng Tsina |
Ang kasalang Tsino ay isang kaugalian noong Warring States Period. Noong sinaunang panahon, napakahalaga ng pagsunod sa saligang prinsipyo ng "Tatlong Sulat at Anim na etiketa"dahil kailangang kailangan ito sa kasalan. Mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang paniniwala ang pagsusukat ng Traje de boda ng ikakasal sa bisperas ng kasal nito.
Jinzhou Dragon Drum
Jinzhou Dragon Drum |
Mooncake |
Mooncake Festival
Ito ang piyesta para sa pagsamba ukol sa buwan. Ang mga mooncakes inaalok sa mga pamilya at kaibigan sa pagtitipon habang isinasagawa ang piyesta.
No comments:
Post a Comment