Wednesday, October 16, 2013

Ang Bansang India at ang Kabihasan nito


                      India

Isang bansang matatagpuan sa Timog-Asya. Ito ay ikaapat sa pinakamalaking bansa sa buong mundo. Ang bansang India ay napapaligiran ng bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog at Pakistan sa kanluran. New Delhi ang kapital ng bansang India.




                    

 Kabihasnang Nakabtay sa Hinduism 
 Ang pangkat ng mga Aryan ang unang sumakop sa India..Tinawag ng mga Aryan ang mga taong  inabutan nila na Dravidians. “Maitim” ang kahulugan ng Dravidians sa wikang sanskrit, dahil sa maitim na kulay ng mga balat ng mga sinaunang  tao sa Indus. Malaki ang pagkakaiba ng itsura ng Aryan sa mga Dravidians. Ang mga Aryan ay matatangkad at may mapusyaw na balat. Sa pagdaan ng panahon, ang dalawang pangkat na ito ay nagsanib. Ang pinagsanib na paniniwalang ito ay tinawag na Hinduism


 Hinduism
       Ang Hinduism o Hinduismo ay ang pinakamalaki at pinakamatandang relihiyon sa bansang India na nagmula pa sa kabihasnang Vedic. Ito rin ay isang organisadong simbahan na may maliwanag na patakaran na kailangang sundin. Ito ang pangunahing relihiyon sa bansa.


                                           

                                                                                                           Sistemang Caste
Ang Sistemang Caste o kinkilala na “Varna” sa “Rig Veda” ay napapangkat na mga Hindu sa: Brahmin na kinabibilangan ng mga iskolar at pari, Kshatriyas o mga mandirigma, Vaisyas na binubuo ng mga magsasaka at mga mangangalakal, at Sudras na pinakamababang pangkat na nagsisilbi bilang utusan o katulong at manggagawa sa sakahan. Ang kinabibiblangan sa lipunan ng mga Hindu ay minamana at itinakdang panghabang-buhay.






"Reincarnation” o Gulong ng Buhay
Ang Gulong ng Buhay o “samsara” ay sinaunang simbolo na may kaugnay na kahulugan sa Buddhism at Hinduism. Ito ay sumisimbolo sa siklo ng pagkapanganak, buhay at kamatayan ng isang tao. Sa pagtatapos ng isang pag-ikot nito, pinaniniwalaan ng mga Hindu at Buddhist ang muling pakabuhay ng isa pang buhay na ipinanganak


                                                                                                       
                                                                                                                                                                              Imperyong Maurya
Ito ay sinakop ni Alexander the Great. Ngunit ng mamatay siya, dagliang inagaw ni Chandragupta Maurya ang kapangyarihan mula kay Selecus I. Si Chandragupta Maurya ay nanungkulan sa ilalim ng paggabay at pagpayo ni Kautilya, isang pari ng caste. Si Kautilya ang sumulat ng Arthastastra, na naglalaman ng mga kaalaman sa pamamalakad at pag-iisa ngisang imperyo. Sa tulong ni Kautilya, si Chandragupta Maurya ay nakapagtatag ng isang pamahalaang burukrasya. Ito ay pinamunuan ng hari sa tulong ng ilang opisyal. Nang namatay si Chandragupta Maurya, siya ay pinlitan ng kanyang anak na naghari sa India ng 32 taon hanggang sa siya ay palitan ni Asoka apo ni Chandragupta Maurya. 


                                                                                               Si Asoka at ang Dhamma
Si Asoka ay bumaling sa Buddhism at ginabayan ng mga aral ni Buddha. Ang Buddhism ay naglalahad ng isang malalim na pilosopiya na nagbibigay paliwanag sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa buhay ng sangkatauhan. Binuo ni Asoka ang Buddhism mula sa isang maliit na sekta hanggang sa ito ay maging isang dakilang relihiyon. Binuo niya rin ang Dhamma-mahamat-tas, ang pangkat ng opisyal na may tungkuling ipalaganap ang “dhamma”. Ang “dhamma” ay isa sa mga aral ni Buddha na nagbibigay halaga sa prinsipyong walang karahasan at kapayapaan para sa lahat. Dahil dito, si Asoka ay kinikilala bilang “Dakilang Tagapaglaganap ng Buddhism.”




                                                                                                           “Great Stupa”
Ang bantog na “Great Stupa’ sa Sanchi, ay matatagpuan sa burol ng Gitnang India hilagang bahagi ng Bhopal. Ang “stupa” ay animong simboryong estruktura ng simbahan na nalinang bilang parangal sa mga naging dakilang prinsipe o sinumang lider ng sinaunang panahon. Sa pagdaraan ng panahon, ang “stupa” ay iniugnay ng mga deboto kay Buddha. Ipinamulat nito sa mga tao ang aral ng gulong ng buhay.






Pillar ni Asoka o “Lion Capital “ni Asoka
Ang “Pillar” ni Asoka o Lion Capital” ni Asoka. Ang imahe na ito kasama ang gulong ng buhay ay nakapinta sa bandila ng India bilang sagisag ng bansa.



                                                

  Ang Imperyong Gupta
Ang imperyong Gupta ay itinatag ni Sri-Gupta. Ang angkan ng Gupta ay nagmula sa Magadha o Silangang Uttar Pradesh. Hindi naglaon, ang angkang ito ay pinamunuan ni Chandra Gupta I, na nagging makapangyarihan bunga ng kanyang pagpapakasal sa anak ng isang maharlika at maimpluwensyang pamilya ng kahariang Magadha. Matapos ang kasalang ito, si Chandra Gupta I ay itinanghal biland “Dakilang Hari ng mga Hari.” Sa panahong ito nakilala si Kalidasa, ang dakilang manunulat na Hindu. Ang Kama Sutra, isang manwal na may kinalaman sa sining ng pagmamahal, ay lumabas din. Bunga ng mga bagong kaalaman, ang panahon ng mga Gupta ang tinaguriang “Ginintuang Panahon ng Hinduism.”


 Ang mga Rajput
Ang salitang Rajput ay halawsa mga salitang Sanskrit na nangangahulugang “Anak ng Hari” (Son of King). Sila ay napsama sa pangkat ng mga Kshatriyas. Ang mga estado ng Rajasthan, Uttar Pradesh, at Madhaya Pradesh ang kilalang sentro ng mga Rajput. Ang mga Rajput ang pangunahing caste na matatagpuan sa Madhaya Pradesh, India. Sila ang nagging tagapagtanggol ng India sa pagsasalkay ng mga Muslim.




 Imperyong Mughal sa India

Si Babur, ang nagtatag ng Imperyong Mughal sa India. Dahil sa galing ni Babur sa pakikidigma, natalo niya ang Afghan, sultan ng Bengal, at kondepederasyon ng pamunuan ng Rajput. Ngunit bago pa niya napag-isa ang mga teritoryong ito, siya ay namatay at nag-iwan ng naggagandahang hardin sa Kabul, Lahore, at Agra. Tinawag nilang Mughal ang kanilang pangkat na ang kahulugan ay Monggol.




 Mga Tradisyon at Kultura
                                      


Banal na Pagligo sa Ilog Ganges
                                       Ang Pagligo sa Ilog Ganges
Ang mga naninirahan sa India ay nakaugalian ng maligo sa Ilog Ganges dahil naniniwala sila na malilinis ang kanilang katawan at kaluluwa kapag sila'y naligo dito. Ang mga may sakit naman ay naniniwalang magagaling ang kanilang karamdaman sa pamamagitan ng pagligo sa Ilog Ganges


Damit Panlalake
 

Veena


 

Fasting


Indian Cullture
Damit Pambabae


Kasalan

Sanskriti Dance

Indian Food

No comments:

Post a Comment