Friday, October 18, 2013

Ang Korea at ang Kabihasnan nito

Korea (Timog)

Timog Korea (taas) at Hilagang Korea (baba)

 Timog Korea-  ito ay matatagpuan sa Silangang Asya. Ito ay karaniwang tinatawag na Namhan o Hanguk. Ang kapital ng bansang ito ay ang Seoul. Ang kanilang pamahalaan ay nahahati sa tatlong sangay: ehekutibo, lehislatibo at hudikatura.

Hilagang Korea- ito rin ay matatagpuan sa Silangang Asya. Karaniwang tinatawag ang bansang ito na "Pukchoson" o "Hilagang Choson". Ang populasyon ng bansa ay tinatayang nasa 24 milyon ang bilang na may maliit na bilang ng mga Hapones, Tsino, Biyetnames, Timog Koreano atbp.

                                                
                                                          
                   



                   

                   Ang Sinaunang Kabihasnan ng Korea
                        Ang Korea ay dating binansagang “Hermit Kingdom.” Ayon sa kasaysayan, ito ay nasakop ng dayuhang bansa at nasupil pa ng ilang bansa sa magkakasunod na panahon. Bunga marahil ng kapaguran sa sunod-sunod na panunupil, napag-isipan ng mga Koreano na iwasan muna ang labis na pakikisalamuha sa ibang bansa upang mapagtuunan ng pansin ang higit na paglilinang at pagpapatibay ng kanilang kultura.


                             Ang Simula ng Korea
                         Si Haring Tan-gun ang nagtatag ng kaunaunahang kaharian ng Korea na tinawag na Choson, na nangangahulugang “Lupaing Mapayapang Umaga”. Ito ay binubuo ng mga kaharian o dinastiya. Ang lupain ay hindi nagkaroon ng katatagan at kapayapaan hanggang sa ito ay bumagsak at nahati sa tatlong kaharian ng Koguryo, Paekche, at Silla.



                            Ang Kaharian ng Koguryo
Kaharian ng Koguryo
                          Ang Koguryo ang unang nalinang bilang isang kaharian sa kapatagan ng Yalu River. Sinakop ng mga Koguryo ang mga kalapit nja tribo nito at natagumpayang maitaboy ang mga Tsino na naninirahan sa Hangawa noong 313 BCE. Noong 37 BCE, sakop ng kahariang Koguryo ang hilagang bahagi ng Korean Peninsula hanggang sa Manchuria na sakop ng Tsina sa kasalukuyan.








                              Kaharian ng Paekche
                            Ang kahariang Paekche ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Han River sa Seoul. Taliwas sa mga Koguryo, ang pangkat ng Paekche ay mapayapa at laging umiiwas sa pananalakay ng mga Koguryo hanggang sa pananalakay ng mga Koguryo hanggang sa maisipan nilang itatag ang kanilang kaharian sa timog-kanlurang bahagi ng peninsula.




Kaharian ng Silla
           Ang Kaharian ng Silla
                             Ang Silla ang pinakamahina sa tatlong kahaian. Isinanib ng Silla ang kahariang Kaya sa kanilang kaharian at nagtatag ng pinag-isang kaharian sa ilalim din ng pangalang Silla sa timog-silanga ng peni.  Ang pag-iisa ng Korea
Nang panahong humina ang dinastiyang Tan ng Tsina, pinamunuan kaagad ni Wang Kien ang isang rebolusyon sa Korea at sinakop ang mga kahariang Paekche at Silla. Noong 935 BCE, ang mga kaharian ay kanyang napag-isa at tinawag na Koryo.



                          Ang Pananalakay ng Japan sa Korea
                           Sa loob ng 200 taon, naranasan ng mga koreano ang kapayapaan sa ilalim ng Dinastiyang Choson. Matapos tanggihan ng Korteng Choson ang paki usap ni Hideyoshi ng Japan na pagkalooban sila ng daan para sa kanyang pananalakay sa Tsina, kaagad inilunsad ng Japan ang isang kampanya laban sa Korea. Hinarap ng mga Koreano ang mga hapones at kanilang napagtagumpayan ang digmaan sa dagat sa pamumuno ni Almirante Yi Sunshi. Sa kauna-unahang pagkakataon, natalo ang Japan ng Korea. Matapos ang labanang ito, muling nawasak ang Korea nang tulungan nito ang Tsina sa pakikidigma laban sa mga Manchu, isinara nang Korea ang bansa at sa loob ng 250 taon, ito ay namuhay ng nakabukod sa daigdig.

Bago ang pagkakahati ng Korea
                   Ang Korea ay bumuo ng Dinastiyang Joseon na ang ibig sabihin ay "Luma" o "sinauna". Pagkatapos ng maraming digmaan laban sa Tsino at iba pang bansa, ang Joseon ay bumagsak at ang Panahon ng Tatlong Kaharian ng Korea ay nagsimula : Goguryeo, Baekje, at Silla.  http://tl.wikipedia.org/wiki/Timog_Korea



Hilagang Korea

Pagkatapos ng pagkahati ng 
bansa
Timog Korea

        Ang bansang South Korea ay nakipagsanib pwersa sa Estados Unidos. Ang bansa ay kilala na sa maunlad na pamamalakad ng kanilang bansa at kultura. Ang Hilagang Korea naman ay nasa Sovereign Union at mas piniling ipapatakbo ang sariling bansa na wala umanong tulong o sanib pwersa sa ibang bansa.




Tradisyon at Kultura


  
Jjigae
Kasuotan- Hanbok ang tawag sa tradisyonal na kasuotan ng babae at lalake sa Korea. Ito ay binubuo ng blusang istilong bolero at sayang mahaba.








Jjigae- ang tradisyonal na pagkain ng South Korea.








Hangul- ito ang alpabetong gamit sa pagsulat ng mga Koreano.


Hangul


Tradisyong Tahanan ng Koreano
Janggu

Buchaechum
Festival of Buddha's birthday

3 comments: