Friday, October 18, 2013

Ang Japan at ang Kabihasnan nito

Japan


Ang salitang“Japan” ay nagmula sa salitang Nippon o Nihon na ang ibig sabihin ay “Land of the Rising Sun”.Ang bansa ay kilala sa maunlad na pamamalakad ng kanilang bansa at mayaman sa kultura at tradisyon. Shintoism ang pinakamalaki at tradisyonal na relihiyon ng Japan. “Gawing Diyos” ang ibig sabihin ng Shintoism. Ang Kami o Diyos ng kalikasan ang itinuturing diyos ng mga nanalig sa relihiyong Shinto.



 Ang Japan mula sa Panahong Nara

                      Ang Nara ang unang kabisera ng Japan.Nagsimulang magkaroon ng kaalaman sa kalakhang Asya ang mga Hapones noon lamang 405 BCE,na kanilang natutuhan mula sa mga nandayuhang Koreano. Ang relihiyong Buddhism, ang isa sa pinakamahalagang impluwensya ng mga Koreano sa Hapones. Ito ay malugod na tinanggap ng Japanese Imperial Court at tuluyang lumaganap sa lipunang Hapones.
           

Prince Shotuko





    Si Prince Shotuko
                Si Prince Shotuko ay nagsimulang magpadala ng tatlong misyon ng mga iskolar sa Tang, Tsina upang pag-aralan ang gawaing Tsino noong  697 CE. Siya rin ay kilala bilang “Amang Kulturang Hapones.” Si Shotuku din ang nagsulat ng Seventeen Articles na ang kauna-unahang nakasulat sa kodigong batas ng Japan. Sinubukan niyang gawing sentralisado ang pamahalaang Japan at pinasimulan ang sistemang civil service  nguit di siya nagtagumpay.






Sei Shonagon

.                  Ang Panahong Heian
                 Ang kabiserang Japan ay inilipat sa Heian, nalungsod ng Kyoto sa kasaluakayan noong 794 CE. Karamihan ng mga maharlikang pamilya ay lumipat doon upang manirahan. Ito ang nag pasimula ng aristokratikong lipunan ng Heian.Nakilala sa panahong ito ang mga kababaihang hapones na sina Lady Murasaki Shikibu at Sei Shonagon. Si Lady Murasaki Shikibu ang sumulat ng kauna-unahang nobela sa daigdig napinamagatang “The Tale of Genji, The Shining Prince and His Romances.” Ang nobela ay naisulat sa pamamagitan ng kana o sulat sa Japan. Si Sei Shonagon naman ay nagsulat ng ilagpaglalarawan ng buhay sa panahong ito sa kanyang talaarawan nakilala bilang “The Pillow Book.” Ang panahong ito ay kinilala bilang “Ginintuang Panahon ng Japan.”

The Pillow Book
Lady Murasaki Shikibu


“The Tale of Genji, The Shining Prince and His Romances.”





                 Ang Pagsilang ng Shogunate
Minamoto Yorimoto
                    Noong taong 1100, nagsimulang maglabanan ang mga Taira at Minamoto, ang dalawang pinakamakapangyarihang angkan sa Japan sa panahong iyon. At nanaig ang Minamoto. Noong 1192, ipinagkaloob ng emperador ng bansa kay Yoritomo, isang lider ng Minamoto, ang titulong Sei-i-tai Shogun na ang kahulugan ay “Barabriab Subduing Great General.” Bilang Shogun, itinatag ni Yorimoto sa Kamakura ang pamhalaang shogunate o bakufu na ang ibig sabihin ay “pamahalaang nasa tolda”. Ang panahon ng pamahalaang ito sa kasaysayan ng Japan ay tinawag na Shogunate.1.



          
               Ang Sistemang Piyudal
                                    Nagsimula ang panahong piyudal sa Japan sa panunungkulan ni Yorimoto. Ito ay nahati sa tatlong panahon: Kamakura Shogunate, Ashikaga Shogunate, at Tokugawa Shogunate. Upang matatag at malakas ang kanyang kapngyarihan ,ang Shogun ay nagtalaga ng mga gobernador na military o daimyo na tinawag nilang great lord sa bawat lalawigan ng bansa. Sa mga daimyo iniatang ng Shogun ang tungkuling pangangalaga at pag papanatiling kapayapaan at kaayusan ng kanyang mga lalawigan. Bilang kabayaran, ang mga daimyo ay pinagkalooban ng lupain kapalit ng kanilang serbisyong military.Ang mga ito ay tinulungan ng kanilang mga samurai.



1.                                       Ang Samurai
                  Ang samurai ay mga kabalyerong nakikipaglaban nang buong katapatan para sa kaligtasanngkanilangmgapanginoon.Tuladngmgakabelyeronoongpanahongmedyibal, angmga samurai ay namumuhaynangnaaayongsakodigongasalna kung tawagin ay bushido(way of the warrior). 
Oda Nobunaga
Toyotomi Hideyoshi



                                   









                   Kamakura Shogunate
Ang panahong ito mula 1467 hanggang 1568 ang tinaguriang panahong Sengoku o “Panahonng Nag-aalitang Estado”(Warring States). Sapanahong ito, nakilala ang malakas na lider na sina Oda Nobunaga at Toyotomi Hideyoshi. Si Nobunaga ay naging isang marahas na pinuno. Nang siya ay ipinagkanulo ng isa sa kanyang heneral noong 1582, si Nobunaga ay nagpakamatay sa pamamagitan ng seppuku o hara-kiri, ang ritwal na pagpapakamatay ng mga samurai. Ang misyon ni Nobunaga ay ipinagpatuloy ng kanyang heneral na si Toyotomi Hideyoshi. Sa ilalim ng pamumuno ni Hideyoshi na sakop ng Japan ang Korea.

Seppuko




1.                               Ashikaga Shogunate
Ang Ashikaga  Shogunate ay higit na kilala bilang Panahon ng Muromachi. Ang pangalang Muromachi ay nagmula sa pangalan ng daang Muromachi sa Kyoto, kung saan itinatag ni Shogun Yoshimitsu ang kanyang tirahan na kung tawagin ay “Mabulaklak na Palasyo” (Flower Palace). Ang Ashikaga Shogunate ay itinatag ni Ashikaga Takauchi, nanagmula sa angkan ng Minamoto. Ito ang itinuturing na pinakamahina sa mga shogunateng Japan.


.                                



Toyotomi Hideyoshi
 Shogun Yoshimitsu



 Tokugawa Shogunate
Si Tokugawa Iyeyasu ay ang muling nakapag-isa sa Japan. Tinalo niya ang mga kalabang daimyo sa Labanan sa Sekigahara noong 1600. Upang maiwasan ang paghihimagsik ng kanyang mga daimyo, itinakda ni Ieyasu ang “alternate attendance policy”. Sa ilalim ng patakarang ito, ang mga daimyo ay sapilitang pinagbabakasyon ni Ieyasu sa Edo nang hali-halili, kasama ang kanilang mga pamilya.
Ito ay tumagal hanggang 1867. Sa kaniyang kamatayan, mahigpit  niyang ipinagbilin kay Hidetada ang pangngangalaga sa Japan.

Hidetada





Tokugawa Iyeyasu

3 comments:

  1. Оаспабин бый пеля изака ено
    Оаспабин titanium steel бый пеля изака ено тазвая зака ено. Кабый пеля titanium drill bits for metal изака ено. Кабый пеля изака ено. titanium easy flux 125 Кабый пеля titanium stud earrings изака ено. Кабый пеля titanium dental изака ено.

    ReplyDelete