Japan
Ang salitang“Japan” ay
nagmula sa salitang Nippon o Nihon na ang ibig sabihin ay “Land of the Rising Sun”.Ang bansa ay kilala sa maunlad na pamamalakad ng kanilang
bansa at mayaman sa kultura at tradisyon. Shintoism ang pinakamalaki at
tradisyonal na relihiyon ng Japan. “Gawing Diyos” ang ibig sabihin ng
Shintoism. Ang Kami o Diyos ng kalikasan ang itinuturing diyos ng mga
nanalig sa relihiyong Shinto.
Ang Japan mula
sa Panahong Nara
Ang Nara ang unang kabisera ng
Japan.Nagsimulang magkaroon ng kaalaman sa kalakhang Asya ang mga Hapones noon
lamang 405 BCE,na kanilang natutuhan mula sa mga nandayuhang Koreano. Ang
relihiyong Buddhism, ang isa sa pinakamahalagang impluwensya ng mga Koreano sa
Hapones. Ito ay malugod na tinanggap ng Japanese Imperial Court at tuluyang lumaganap sa lipunang Hapones.
|
Prince Shotuko |
Si Prince Shotuko
Si Prince Shotuko ay nagsimulang
magpadala ng tatlong misyon ng mga iskolar sa Tang, Tsina upang pag-aralan ang
gawaing Tsino noong 697 CE. Siya rin ay kilala bilang “Amang Kulturang
Hapones.” Si Shotuku din ang nagsulat ng Seventeen Articles na ang
kauna-unahang nakasulat sa kodigong batas ng Japan. Sinubukan niyang gawing
sentralisado ang pamahalaang Japan at pinasimulan ang sistemang civil service nguit di siya
nagtagumpay.
|
Sei Shonagon |
. Ang Panahong Heian
Ang kabiserang Japan ay inilipat sa
Heian, nalungsod ng Kyoto sa kasaluakayan noong 794 CE. Karamihan ng mga
maharlikang pamilya ay lumipat doon upang manirahan. Ito ang nag pasimula ng
aristokratikong lipunan ng Heian.Nakilala sa panahong ito ang mga kababaihang
hapones na sina Lady Murasaki Shikibu at Sei Shonagon. Si Lady Murasaki Shikibu
ang sumulat ng kauna-unahang nobela sa daigdig napinamagatang “The Tale of
Genji, The Shining Prince and His Romances.” Ang nobela ay naisulat sa
pamamagitan ng kana o sulat sa Japan. Si Sei Shonagon naman ay nagsulat ng
ilagpaglalarawan ng buhay sa panahong ito sa kanyang talaarawan nakilala bilang
“The Pillow Book.” Ang panahong ito ay kinilala bilang “Ginintuang Panahon ng
Japan.”
|
The Pillow Book |
|
Lady Murasaki Shikibu |
|
“The Tale of Genji, The Shining Prince and His Romances.” |
Ang Pagsilang ng Shogunate
|
Minamoto Yorimoto |
Noong taong 1100, nagsimulang
maglabanan ang mga Taira at Minamoto, ang dalawang pinakamakapangyarihang
angkan sa Japan sa panahong iyon. At nanaig ang Minamoto. Noong 1192, ipinagkaloob
ng emperador ng bansa kay Yoritomo, isang lider ng Minamoto, ang titulong Sei-i-tai Shogun na ang kahulugan ay “Barabriab
Subduing Great General.” Bilang
Shogun, itinatag ni Yorimoto sa Kamakura ang pamhalaang shogunate o bakufu na ang ibig sabihin ay
“pamahalaang nasa tolda”. Ang panahon ng pamahalaang ito sa kasaysayan ng Japan
ay tinawag na Shogunate.1.
Ang Sistemang
Piyudal
Nagsimula ang panahong piyudal sa
Japan sa panunungkulan ni Yorimoto. Ito ay nahati sa tatlong panahon: Kamakura
Shogunate, Ashikaga Shogunate, at Tokugawa Shogunate. Upang matatag at
malakas ang kanyang kapngyarihan ,ang Shogun ay nagtalaga ng mga gobernador na
military o daimyo na tinawag nilang great
lord sa bawat lalawigan ng bansa. Sa mga daimyo
iniatang ng Shogun ang tungkuling pangangalaga at pag papanatiling kapayapaan
at kaayusan ng kanyang mga lalawigan. Bilang kabayaran, ang mga daimyo ay
pinagkalooban ng lupain kapalit ng kanilang serbisyong military.Ang mga ito ay
tinulungan ng kanilang mga samurai.
1. Ang Samurai
Ang samurai ay
mga kabalyerong nakikipaglaban nang buong katapatan para sa
kaligtasanngkanilangmgapanginoon.Tuladngmgakabelyeronoongpanahongmedyibal,
angmga samurai ay namumuhaynangnaaayongsakodigongasalna kung tawagin ay bushido(way of the
warrior).
|
Oda Nobunaga |
|
Toyotomi Hideyoshi |
Kamakura Shogunate
Ang panahong ito mula 1467 hanggang
1568 ang tinaguriang panahong Sengoku o “Panahonng Nag-aalitang Estado”(Warring
States). Sapanahong ito, nakilala ang malakas na lider na sina Oda Nobunaga at
Toyotomi Hideyoshi. Si Nobunaga ay naging isang marahas na pinuno. Nang siya ay
ipinagkanulo ng isa sa kanyang heneral noong 1582, si Nobunaga ay nagpakamatay
sa pamamagitan ng seppuku o hara-kiri, ang ritwal na pagpapakamatay ng mga samurai. Ang
misyon ni Nobunaga ay ipinagpatuloy ng kanyang heneral na si Toyotomi
Hideyoshi. Sa ilalim ng pamumuno ni Hideyoshi na sakop ng Japan ang Korea.
|
Seppuko |
1. Ashikaga Shogunate
Ang
Ashikaga Shogunate ay higit na kilala bilang Panahon ng Muromachi. Ang
pangalang Muromachi ay nagmula sa pangalan ng daang Muromachi sa Kyoto, kung
saan itinatag ni Shogun Yoshimitsu ang kanyang tirahan na kung tawagin ay
“Mabulaklak na Palasyo” (Flower Palace). Ang
Ashikaga Shogunate ay itinatag ni Ashikaga Takauchi, nanagmula sa angkan ng
Minamoto. Ito ang itinuturing na pinakamahina sa mga shogunateng Japan.
.
|
Toyotomi Hideyoshi |
|
Shogun Yoshimitsu
|
Tokugawa Shogunate
Si
Tokugawa Iyeyasu ay ang muling nakapag-isa sa Japan. Tinalo niya ang mga
kalabang daimyo sa Labanan sa Sekigahara noong 1600. Upang maiwasan ang
paghihimagsik ng kanyang mga daimyo, itinakda ni Ieyasu ang “alternate
attendance policy”. Sa ilalim ng patakarang ito, ang mga daimyo ay sapilitang
pinagbabakasyon ni Ieyasu sa Edo nang hali-halili, kasama ang kanilang mga
pamilya.
Ito
ay tumagal hanggang 1867. Sa kaniyang kamatayan, mahigpit niyang
ipinagbilin kay Hidetada ang pangngangalaga sa Japan.
|
Hidetada |
|
Tokugawa Iyeyasu |